Stressful Lunes sa Barangay

Minsan ang sarap na rin i-boycott ang Ginebra eh. Hindi naman porke't all out ang mga fans sa support, eh forever 'yan. ...



Minsan ang sarap na rin i-boycott ang Ginebra eh.

Hindi naman porke't all out ang mga fans sa support, eh forever 'yan.

Alam kong may business side ang mga PBA teams, pero kahit sana konting consideration, awa, o pagmamahal eh maramdaman naman namin.

Kahit katiting lang.

Isipin niyo, sariling pera ang gamit namin para makabili ng Ginebra shirt, para lang mapakita namin sa lahat kung gaano namin kamahal ang team na 'to (at pangporma na rin).

Sariling kartolina at pentel pen ang gamit namin para makagawa ng signs and banners para makita sa TV kung gaano kami ka-die hard (at para makita na rin kami sa TV).

Sana man lang maisip niyo kung gaano kahirap makabili ng ticket o pumunta ng maaga sa Araneta para lang mauna sa pila sa entrance o kaya makipag-away dahil sa reserved na upuan sa Upper A at B.

Ang hirap kasi dyan, karamihan sa inyo hindi naranasan yung mga pinagdadaanan ng mga normal na fan.

Kayo kasi VIP, courtside, at kahit late ka pa dumating keri lang.

Siguro iniisip niyo na kung ayaw namin mga preseason, during the season, post season moves niyo, eh di lipat na lang kami sa ibang teams.

Siguro iniisip niyo, ang dami naming satsat, kung ayaw eh di wag na manood.

Siguro iniisip niyo, bakit ang ibang fans ng ibang team hindi naman ganyan kung makareact.

Pero sana maisip niyo na si manong jeepney driver, ilang linggo nag-ipon para makabili ng Upper B ticket.

Sana maisip niyo si kuyang construction worker, kahit sobrang pagod sa trabaho dumiretso sa Araneta para masuportahan ang paboritong team niya.

Sana maisip niyo na yung "fan lang" na yun, kahit ano pang sakit sa puso ang nararamdaman dahil sa mga nangyayari sa team, eh 100% all out pa rin para sainyo.

Para sa inyo.

Hindi naman kami fan ng Ginebra para sa sarili namin ah. Ano yun? Walang sense.

Fan kami ng Ginebra dahil mahal namin yung team, kahit gaano pa ka-OA pakinggan yan.

Maraming teams ang PBA. Sobrang dali humanap ng ibang team na susuportahan.

Pero after all those crazy trades, unbelievable staff shuffles, FIVE YEAR drought at kung ano pang chuk chak chenes yan..

Andito pa rin kami.

Gusgusin na.

Pagod na.

At ang pinakamasaklap - Sanay na.

Sanay na kami. Expected na namin. Kada taon, kada conference.

"Para sa team ko 'to."

"Siguro lalakas ang team ko kaya ginawa 'yun."

"This will all turn out for the better."

Lahat ng positivity quotes nilulunok ko every time may bagong changes na naman.

Hindi pa ba kayo pagod sa pagtetweak sa team na 'to?

Ilang taon ko nang naririnig yung "nasa jelling process pa ang Ginebra". Naknamputa.

Nakakastress na.

Wag niyo na rin sana hintayin na sabihin naming "sawa na", "ayaw na", "tama na, wag po kuya". lol

Pero seryoso, never naman kami nagdemand ng lobo o tshirt every game ah.

Ang gusto lang naman talaga namin eh, wag yung every conference, every post season at kahit in the middle of the confy may changes na nagaganap.

Paano tayo magchachampion nyan, eh back to square one na naman para sa walang kamatayang jelling process.

Kaya sana, kahit yun na lang. Yung sana wag na i-disrupt yung nabuong chemistry.

Nakaabot na nga ng finals, eh. Grabe naman. Brutal.

Nakakalungkot lang kasi feeling ko alam niyo na kahit ano pang gawin niyo sa Ginebra, andyan parin yung mga sumusuporta.

Pero ipagdasal niyo ng bonggang bongga na wag sana dumating yung panahon na langawin ang game ng Ginebra o kaya marealize nung kanto boy na hindi na worth it yung pambili ng ticket sa Araneta.

Dapat isaisip niyo na hindi lang yung team at opsisyales ang dapat niyong inaalagan, alagaan niyo rin yung mga libo-libong nagpapakagago para sa Ginebra kasi kung waley kami, malamang alamang waley rin kayo.

You Might Also Like

22 comments

  1. Still, best blog of the year :(

    ReplyDelete
  2. nice one.... po....thumbs up

    ReplyDelete
  3. Replies
    1. I don't blog to please you, though. ☺

      Delete
    2. @remar mas baduy ka? who da hell are u? siguro fan ka ng ibang team ung hindi sikat kaya ka nakikiepal dito..STFU F_CK YOU REMAR!!!

      Delete
    3. la ? putang ina mo naman

      Delete
    4. Grabe, hanggang dito naman talaga umaabot ang mga haters at bashers. Yung totoo, kalma lang kayo, wala kami sa mood makipagtalo dahil prang nagluluksa kami ngayon, okay?

      Delete
  4. Get a LIFE. Time to move on!

    ReplyDelete
    Replies
    1. I have a life, though. Thanks for the concern. ☺

      Delete
  5. tangina mo ang bobo mo.. pero mas bobo ang mga management officials ng ginebra.. lahat sila mga boladas ng mga pekpek ng nanay nila! ginebra fan ako pero nawawala na ang kumpyansa ko sa kanila.. tsk!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kumalma ka lang! Lahat tayo nawawalan ng kumpyansa, pero hindi naman tama na tawagin mo akong bobo. You just know my name, but you don't know who I am. Lol

      Delete
  6. Replies
    1. Indeed, I am a gay fan. Happy fan. Sana ikaw rin. ☺

      Delete
  7. alisin si Eala wala nmn dati sa ginebra yn hayup na yn ee... palit ng tao ehh ung last confe nakaabot ng finals tpos gsto ng twist.. KABOBOHAN!!

    ReplyDelete
  8. di nya iniisip ung mga fans.. ang gsto lng kumita lng ng kumita ng pera!! TANG INA MO NOLI EALA!!

    ReplyDelete
  9. See how much Alaska love their supporters? this is what ginebra lacks! time to move to a better team!

    ReplyDelete
  10. okay nabasa ko rin...love ur blog steph...deadma sa mga FC niki2comment hahaha

    ReplyDelete
  11. nice blog.... @WhuaatMingz tama dapat alisin na yan... pati si salud...

    ReplyDelete
  12. Fan na ako ng GINEBRA since 2nd grade.... tamang mid 80's yun.... and I must say, this is what i've been feeling for the longest time. best blog to date...

    ReplyDelete
  13. mamatay ka na NOLI EALA!!!!!!!!

    ReplyDelete
  14. tanginang eala yan, kahit kelan peste sa pamilya! peste sa una niyang pamilya, peste ulit sa pamilya ng Ginebra!!!

    Isang team na nanggaling ng Finals, na instead na bigyan ng suporta ni Eala at ng SMC para lalong lumakas, eh INAALIS ang mga taong siyang PUNDASYON ng lakas na iyon??? Bakit sa SanMig, di niya mapaki-alaman????

    ReplyDelete
  15. dont be bothered about these dorks criticizing your blog. They dont know what theyre saying anyway. nice one :)

    ReplyDelete

Oh, hello there.